Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang labandera na suma-sideline umano bilang drug pusher sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Naghihimas ng rehas ang suspek na si Josephine Liang, alyas Apen, 42, ng 734 Tello Street, sa Tondo, matapos makumpiskahan ng tatlong gramo ng umano’y shabu, na nakalagay sa limang pakete; at P300 marked money.

Sa ulat ng MPD- Station 7, isinagawa ng grupo ni Police Senior Insp. Ness Vargas ang operasyon sa tahanan ng suspek, bandang 11:30 ng umaga.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nang maisagawa ang transaksiyon ay agad nang pinosasan ang suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Mary Ann Santiago