KUALA LUMPUR (Reuters) – Dumating kahapon si dating Prime Minister Najib Razak sa headquarters ng anti-corruption commission ng Malaysia para magpaliwanag sa kahina-hinalang paglilipat ng $10.6 milyon sa kanyang bank account.

Ang halaga ay kapiranggot lamang ng bilyun-bilyong dolyar na diumano’y inilipat mula sa state fund 1MDB, sa eskandalo na naging multo sa huling tatlong taon sa puwesto ni Najib at isa sa mga dahilan ng pagkatalo niya sa halalan nitong Mayo 9.

Muling pinabuksan ng bagong lider ng Malaysia na si Mahathir Mohamad, sa edad na 92 ay nagbalik sa politika para talunin ang dati niyang protege, ang imbestigasyon sa1Malaysia Development Berhad (1MDB) at nangakong babawiin ang perang ninakaw mula sa fund.

Simula nang mawala sa puwesto, si Najib at ang diumano’y shopaholic niyang asawa na si Rosmah Mansor, ay dumanas ng sunod-sunod na kahihiyan, simula sa ban sa pag-alis nila sa bansa, na sinundan ng paghalughog ng pulisya sa kanilang bahay at iba pang ari-arian.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM