NAKATANGGAP kami ng text message mula sa aming reliable source sa ABS-CBN na nag-walkout daw si Enchong Dee sa taping ng Blood Sisters nitong Huwebes sa location sa Pampanga.

EJAY ERICH AT ENCHONG copy

“Big scene ‘yung kukunan sa Pampanga as in marami at may eksena roon na supposedly magkasama sina Ejay (Falcon) at Enchong sa eksena, eh, nu’ng nag-take na, si Ejay na lang lumabas,” mensahe sa amin.

Nagtataka kami sa isyung ito dahil matagal na naming kilala si Enchong na napaka-professional at wala pa kaming narinig na nakatrabaho niyang nagreklamo, artista man o production staff ng mga serye o pelikulang ginawa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang tanging alam naming gusot ay ang pagkakaroon nila ng hindi magandang relasyon ng katrabaho niya, pero matagal na silang okay at nagkaayos.

Agad naming tinext si Enchong tungkol dito, pero hindi siya sumagot kaya ang handler niyang si Monch Novales ang tinanong namin at agad niyang pinabulaanan na nag-walkout ang aktor.

“Hindi siya nag-walkout, may early appointment siya for UK Visa para sa RNG Scotland at saka nagpaalam siya (sa production executive ng Blood Sisters). Baka hindi alam ng source mo na nagpaalam o may usapan na sila,” paliwanag ni Monch.

Naniniwala kami sa pahayag na ito dahil kilala nga namin si Enchong na napaka-professional sa lahat ng bagay.

Anyway, mukhang si Enchong bilang si Dr. Samuel Hechanova ang third wheel kina Erika (Erich Gonzales) at Tonyo (Ejay) sa umeereng kuwento ng The Blood Sisters.

–Reggee Bonoan