PNA

NANGAKO ang Department of Justice (DoJ) nang buong suporta upang wakasan ang karahasan sa mga bata.

“It is the duty of the present to ensure that children will realize their fullest potential in building a future where justice and equity will be the norm, where humanity will enjoy freedom from want and freedom of choice,” pahayag ni DoJ Undersecretary Erickson Balmes nitong Sabado.

Bilang patunay sa ipinangako ng kagawaran, pagtutuunan ng DoJ ang pagsasagawa ng mga hakbangin na alinsunod sa mga polisiya at programa ng Plan of Action to End Violence Against Children (PPEVAC), Philippine Development Plan, at ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagsasawalang-bahala, pang-aabuso o pagsasamantala sa mga bata, at karahasan laban sa kanila.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The State is mandated to unconditionally provide that environment by respecting, protecting, and fulfilling their human rights guaranteed under the Convention on the Rights of the Child and the 1987 Constitution,” sabi ni Balmes.

Ang pakikipagtulungan umano sa lokal na pamahalaan ang titiyak sa pagpapatupad sa programa sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga bata, at pagsusulong sa kanilang kapakanan.

Ang pagkilala sa proteksiyon para sa mga bata, key policy intervention na isinulong noong 2017 para sa pagtatatag ng pinag-isang child-friendly public assistance desk at interview room sa lahat ng opisina ng prosekusyon sa kakayahan ng pamahalaan at mga NGO ang ilan lamang sa mga bahagi ng plano ng DoJ.

Dagdag pa rito, plano rin ng kagawaran na gumamit ng anatomically correct doll sa lahat ng opisina ng prosekusyon para sa paunang imbestigasyon at pagdinig sa mga kaso na may kinalaman sa seksuwal na karahasan.

“Together, we shall strive for justice for every child. This requires freedom of children from violence, neglect, abuse, and exploitation of whatever form or shape, size or gravity, and from whatever source,” saad ni Balmes.

Bilang prosekusyon na bahagi ng pamahalaan, sinabi ng DoJ na hindi nito sasayangin, at sa halip ay magiging pundasyon ng kagawaran ang mga napagtagumpayang probisyon sa Council on Special Protection of Children.