Ni Franco G. Regala

Hindi na nakapalag ang isang pulis- Pampanga at dalawa pang kasamahan nito nang arestuhin sila ng kanyang mga kabaro sa isang buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga, nitong Biyernes.

Nasa kustodiya na ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Mabalacat City Police si PO1 Kevin Pierre dela Cruz Aposto, 29, alyas “Apo”, nakatalaga sa Arayat Municipal Police, na naaresto kasama sina Angel Lacson Pabilonia, 39, alyas “Bench”; at Donato De Guzman, 22, alyas “Dondon”.

Naglatag ng anti-illegal drug operation ang mga pulis nang makumpirma nilang matagal na umanong nagbebenta ng droga si Apostol, kasama sina Pabilonia at De Guzman.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nang maisagawa ang transaksiyon, kaagad na inaresto ang grupo ni Apostol sa Barangay Dau, Mabalacat City, dakong 2:40 ng hapon.

Iniutos na rin ni Chief Supt. Amador Corpus, Police Regional Office (PRO)-3 director, na sibakin na sa puwesto ang hepe ni Apostol dahil sa command responsibility.

“The PNP does not tolerate irregularities of its members and has zero tolerance and no compromise on our personnel involved in illegal drugs. They will suffer the full consequence of their actions and have no reason to stay as members of our organization,” sabi pa ni Corpus.

Narekober kay Apostol ang siyam na sachet ng shabu, isang .9mm pistol, dalawang magazine nito at mga bala, at iba pang kagamitan.