Nina Tara Yap, Niño N. Luces at Ruel Saldico

Dalawang sundalo ang napatay, habang walong kasamahan nila ang nasugatan, at apat na miyembro ng New People’s Army ang inaresto sa magkahiwalay na sagupaan sa Negros at Masbate, kahapon.

Hindi muna ibinunyag ng militar ang pangalan ng dalawang napaslang na sundalo sa Negros Occidental, kung saan walong iba pa ang nasugatan.

Ayon sa Police Regional Office (PRO)-6, nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo sa Barangay Tan-awan sa Kabankalan City, Negros Occidental kahapon ng umaga nang makasagupa ang nasa 60 rebelde.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Masbate, matapos ang bakbakan sa Bgy. Talisay sa San Fernando ay naaresto ng militar sina Ricky Fernandez, 45; Joseph Azuela, 49; Tirso Cantre, 41; at Abel Altajeros, 32, ayon kay Capt. Joas Pramis, 9th Infantry Division (ID) information officer.