NAKAMIT din ang pagkakaisa ng mga stakeholder sa Philippine National Shooting Association (PNSA) matapos ang pagpupulong ng mga bago at dating miyembro ng asosasyon sa PNSA General Assembly nitong Miyerkules sa Manila Yacht Club.

 KINATIGAN sa General Assembly ang pagkakahalal ng mga bagong opisyal, sa pangunguna ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson bilang bagong lider ng Philippine National Shooting Association (PNSA).


KINATIGAN sa General Assembly ang pagkakahalal ng mga bagong opisyal, sa pangunguna ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson bilang bagong lider ng Philippine National Shooting Association (PNSA).

Sa pagpupulong naratipikahan ang kaganapan sa sinagawang PNSA General Assembly meeting na ginanap nitong Pebrero 16, 2018 kung saan naihalal si dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson bilang bagong pangulo.

Bukod kay Singson, pormal ding kinilala ang election ng mga bagong opisyal tulad nina Ildefonso Tronqued -Chairman; James Chua - VP International Affairs; Herman De los Santos - VP National Affairs; Retired Marine BGen Francisco Gudani -Secretary General; Severino Villarama - Treasurer; at Inocentes Dionesa - Corporate Secretary.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hanggang Pebrero 2020 ang termino ng grupo.

Ginanap ang General Assembly at election nitong Pebrero 16 na sinaksihan ni dating POC Deputy Secretary General Atty. Simeon Garcia.