KUALA LUMPUR (AFP, REUTERS) – Sinabi ng natalong lider ng Malaysia na si Najib Razak nitong Huwebes na tinatanggap niya ang kagustuhan ng mamamayan matapos matalo ang ruling coalition sa nagbabalik na 92-anyos na strongman na si Mahathir Mohamad.

‘’I accept the verdict of the people,’’ ani Najib, na halatang nayanig sa pagkatalo ng Barisan Nasional (BN) coalition, na mahigit anim na dekada nang namumuno. Ngunit idinagdag niya na dahil walang partido na nakakuha ng mayorya sa parliament, nasa kamay ng hari kung sino ang magiging prime minister.

Napanalunan ng Pakatan Harapan opposition ni Mahathir ang 121 puwesto, kapag isinama ang maliit na kaalyado sa Sabah state. Mayroong 222 puwesto sa parliament at kailangan ang mayorya para makabuo ng gobyerno.

Sa muli niyang pag-upo sa kapangyarihan, si Mahathir ang magiging pinakamatandang prime minister sa mundo.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“Yes, yes, I am still alive,” sambit ni Mahathir sa news conference, 3:00 ng madaling araw kahapon, para ipahayag ang panalo ng BN.