Ni Czarina Nicole O. Ong
Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Second Division ang dalawang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at isang pribadong indibidwal sa kasong graft dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayang sila ay nagkasala “beyond reasonable doubt.”
Sina Maj. Jose L. Barao Jr. at Capt. Henry G. Valeroso, mga miyembro ng AFP Technical and Inspection Team at Acceptance Committee, gayundin si Victorino Floro, pribadong mamamayan at president ng Floro International Corporation, ay kinasuhan ng paglabag sa Section 3(e) of R.A. 3019, o Anti- Graft and Corrupt Practices Act.
Kasama sa asunto ang namayapang si Col. Artemio C. Cacal, Commanding Officer ng AFP Research and Development Center, dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng 75 units ng cal. 9mm MK9 SMG na nagkakahalaga ng P1,500,000 noong Nobyembre 10, 1997.