WASHINGTON (AP) — Nag-alok si Gina Haspel, ang nominee ni President Donald Trump para mamuno sa Central Intelligence Agency, na iurong ang kanyang nominasyon, sinabi ng dalawang senior administration officials nitong Linggo. Ito ay sa harap ng debate kaugnay sa torture program na pinangangambahan niyang sisira sa kanyang reputasyon at sa CIA.

Naghanap ang White House aides nitong Biyernes ng mga karagdagang detalye tungkol sa pagkakasangkot ni Haspel sa binuwag na programa ng CIA sa pagdedetine at brutal na interogasyon ng terror suspects matapos ang 9/11. Kasabay nito ang paghahanda nila para sa brutal na Senate Intelligence Committee confirmation hearing ni Haspel sa Miyerkule, nang mag-alok siyang umurong, sinabi ng mga opisyal.

Sinabi nila na tiniyak kay Haspel, acting director ng CIA matapos maging Secretary of State si dating director Mike Pompeo, na tuloy at hindi iuuurong ang kanyang nominasyon. At buo ang suporta sa kanya ni Trump.

Kung makukumpirma, si Haspel ang magiging unang babaeng mamumuno sa CIA. Isa siyang beteranong undercover at karamihan ng kanyang record ay classified. Sinabi ni Democrats na dapat siyang ma-disqualify dahil siya ang hepe ng base sa isang covert detention site sa Thailand kung saan dalawang suspek sa terorismo ang isinalang sa waterboarding, isang technique na tila nilulunod ang isang tao.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ni Haspel sa mga mambabatas na maninindigan siya laban sa anumang pagsisikap na muling imbestigahan ang malupit na detention at interrogation program.

Ayon sa isang opisyal, nagbabahala si Haspel na dadanasin din niya ang parehong kapalaran ng nabigong veterans affairs nominee na si Ronny Jackson at paghalungkat sa masalimuot na nakalipas ng CIA.