MATAPOS magpasiklab sa unang edisyon nitong Enero, liyamado ang Team Excellence sa “2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby 2” na sisimulan sa Linggo, Mayo 6 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pangunguna ni Doc Ayong Lorenzo, ang Team Excellence ay may dalawang runner –up finishes nitong Enero.

May 8 – 1 (panalo –talo) kartada ang Firebird 2 ni Excellence national endorser Biboy Enriquez at RC Warriors Chris Purple nina Pit Games Media president Manny Berbano, Rey Canedo at Cris Sioson.

Kinapos lamang sila ng kalahating puntos, dahil ang solo champ ay umiskor ng 8.5 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang host ng derby ang Pintakasi of Champions.

Narito ang iskedyul ng laban: May 6 at 7 (2 – cock elims); May 8 at 9 (3 –cock semifinals); May 11 (4 –cock finals 2 hanggang 3.5 puntos) at May 12 ( 4 –cock finals 4 hanggang 5 points).

Dadalo ang mga local at foreign participants sa WSC 2 launch at press conference sa Novotel Hotelo sa Cubao, Quezon City. Magpapasigla sa okasyon ang mga reyna mula sa Binibining Pilipinas.

Para sa patron at box tickets, bisitahin lamang ang Ticketnet box office sa Araneta Coliseum Circle o tumawag sa 911-5555.