Ni Mina Navarro

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakatalaga kay Marc Red Mariñas, pinuno ng Port Operations Division (POD) ng ahensiya, bilang OIC deputy commissioner kapalit ni Atty. Aimee Torrecampo-Neri, na nagbitiw kamakailan.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang department order (DO) na nagtatalaga kay Mariñas bilang OIC deputy commissioner bilang dagdag sa mga tungkulin nito bilang POD head.

Ayon kay Morente, mananatili si Mariñas sa bagong posisyon habang hinihintay ang permanenteng deputy commissioner na itatalaga ng Malacañang kapalit ni Neri.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makakasama ni Mariñas sina Morente at BI Deputy Commissioner J. Tobias Javier bilang miyembro ng three-man board of commissionersna dumidinig at nagdedesisyon sa mga kaso ng deportasyon laban sa mga dayuhan.

Tinatalakay at inaaprubahan din ng board ang lahat ng visa application ng mga immigrant at non-immigrant.

Mahigit 15 taon na sa serbisyo at pinamunuan ang POD simula noong Hulyo 2016, si Mariñas ang nangangasiwa sa mga operasyon ng BI sa iba’t ibang international ports sa bansa, kabilang ang pagpigil sa human trafficking.