Ni Reggee Bonoan

“HEARTWARMING, maganda ang ending, magaan sa pakiramdam, hindi ‘yung depressing.”

Arjo copy

Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga nakapanood ng pagtatapos ng seryeng Hanggang Saan nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Sue Ramirez, Teresa Loyzaga, Yves Flores, Ariel Rivera, Rommel Padilla, Anna Luna, Maila Gumila at iba pa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa episode na ipinakita ng HS nitong Huwebes ay nabaril sina Sonya (Sylvia) at Paco (Arjo) at napatay naman si Jacob (Ariel). Akala ng lahat ay hindi na mabubuhay ang mag-ina pero sa pagtatapos ay ipinakitang buhay silang tatlo at isa nang ganap na arkitekto si Domeng (Yves).

Si Paco naman ay naging partner na ni Atty. Vega (Maila) sa kanyang law firm at si Anna (Sue) ay bumalik galing Amerika para manirahan na sa Baler, Quezon kung saan may mga project siya at gusto rin niyang gunitain ang lugar kung saan sila nagmahalan ni Paco.

Napanood din namin ang endings na masaya sa pakiramdam, hindi katulad sa The Greatest Love na mabigat sa dibdib kasi nga namatay si Mama Gloria (Sylvia) dahil sa Alzheimer’s disease.

Magpapahinga muna si Ibyang sa teleserye samantalang si Arjo ay kasama sa bagong soap drama ng Dreamscape Entertainment na The General’s Daughter kabituin sina Ms Maricel Soriano, Angel Locsin, Ryza Cenon, Eula Valdez at Janice de Belen.

Sa aming pagkakaalam ay sa Setyembre ang airing ng The General’s Daughter na kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano.