Ni ANNIE ABAD

MATAPOS ang mahabang panahon ng hindi pagkakaunawaan, posibleng magbuklod sa iisang grupo ang pamunuan ng Philippine Swimming League (PSL) at Philippine Swimming Inc. (PSI).

Papa at Rosario

Papa at Rosario

Ito ang posibleng maganap matapos ang inisyal na paguusap ng magkabilang kampo na pinamununuan nina PSI swimming coach Ral Rosario at dating Philippne Sports Commission (PSC) commissioner Akiko Thomson at dating Asian Games campaigner Susan Papa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayos sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa usapin, nagkasundo ang dalawang panig na magkaroon ng iisang asosasyon sa swimming at buksan ang tryouts sa lahat ng swimmers ano man ang kinasasamahang grupo.

Matagal nang suliranin sa swimming ang saradong pintuan para sa National tryouts. Ngunit, nagiba ang ihip ng hangin nang ibasura ng Philippine Olympic Committee (POC) ang lideratura ni Lanie Velasco sa Philippine Swimming, Inc, na dating pinamumunuan ni Mark Joseph.

“Nagkasundo na ang dalawang panig na mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng swimmers na mapabilang sa National Team at magaganap ito sa isang National tryouts,” pahayag ng naturang opisyal.

Ito ang unang pagkakataon na magbubuklod muli ang dalawang Swimming Association matapos ang di inaasahang paghihiwalay ng mga miyembro nito.

Philippine Amateur Swimming Association (PASA) ang dating pangalan ng PSI, kung saan miyembro noon si Susan Papa ang tumatayong pinuno ng PSL ngayon at si Rosario na siyang pinuno naman ng PSI na kinilala ng POC.

Samantala, tila natugunam naman agad ang hangarin ni dating Swimming Olympian at dating PSC chairman na si Eric Buhain na pagbuklurin ang mga grupo ng swimmers, na matagal nang naghahangad ng pagkakaisa sa asosasyon.

“Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko talaga na bumuo ng organization where in pagsasama samahin ko silang lahat PSL, PSI at kahit anong swimming group pa yan, in that way, magkakaroon ng inspiration ang mga athletes para magtraining nag maayos,” ani Buhain.