MADRID (AFP) – Libu-libong Spaniards ang nagmartsa sa mga lansangan ng Pamplona nitong Sabado upang iprotesta ang pagpapawalang-sala sa limang lalaki na inakusahan ng gang rape sa isang 18-anyos na babae.

Pinawalang-sala ang mga suspek sa sexual assault, na kinabibilangan ng rape, at pinarusahan ng siyam na taon sa kulungan para sa mas mababang kasalanan na sexual abuse.

Sa Pamplona, sinabi ng pulisya na ‘’between 32,000 and 35,000 people’’ ang nakisali sa demonstrasyon nitong Sabado at nag-rally sa ilalim ng slogan na ‘’it’s not sexual abuse, it’s rape’’.

Ang mga lalaking suspek, nasa edad 27 hanggang 29, ay inakusahang ginahasa ang babae sa isang apartment building sa Pamplona noong Hulyo 7, 2016, sa pagsisimula ng isang linggong San Fermin festival, na dinarayo ng libu-libong bisita.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang lima, pawang taga-lungsod ng Seville sa katimugan, ay kinunan pa ng video ang insidente at ipinagyabang ito sa WhatsApp messaging group kung saan nagpakilala silang ‘’La Manada’’, o ‘’The Pack’’ sa English.