Warriors, dominante sa Pelicans; Celtics, umusad sa Final Four

OAKLAND, California (AP) – Maagang kumawala ang Golden State Warriors sa inakalang dikitang laban para maitarak ang bagong marka sa scoring tungo sa dominanteng 123-101 panalo kontra New Orleans Pelicans sa Game 1 ng kanilang best-of-seven Western Conference semifinals nitong Sabado (Linggo sa Manila).

 NAGING lider ng Golden State si Draymond Green sa natipang triple-double -- 16 puntos, 15 rebounds, 11 assists – bukod sa tatlong steals at dalawang blocks sa Game 1 ng WC semifinals laban sa New Orleans. (AP)


NAGING lider ng Golden State si Draymond Green sa natipang triple-double -- 16 puntos, 15 rebounds, 11 assists – bukod sa tatlong steals at dalawang blocks sa Game 1 ng WC semifinals laban sa New Orleans.
(AP)

Nagtumpok si Kevin Durant ng 26 puntos at 13 rebounds, habang mistulang lider ng Warriors si Draymond Green sa ikaapat na career postseason triple-double – 16 puntos, 15 rebounds at 11 assists – tungo sa matikas na opensa na nagbigay sa Golden States ng 76 puntos sa halftime.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagawa ng defending champion ang impresibong panalo kahit wala si two-time MVP Stephen Curry, na inaasahang magbabalik aksiyon sa Game Two sa Martes.

Nanguna si Anthony Davis sa Pelicans sa nakubrang 21puntos at 10 rebounds. Matikas ang porma ni Davis sa first period sa naiskor na 10 puntos, ngunit inalat sa second quarter. Tangan ni Davis ang averaged 33 puntos, 12 rebounds at 2.8 blocks nang walisin ang Portland sa first round.Nalimitahan din si Jrue Holiday sa 4-for-14 shooting para sa 11 puntos.

Umakyat ang bentahe ng Warriors sa 76-48 mula sa magkasunod na three-pointer ni Klay Thompson, tumapos na may may 27 puntos.

CELTICS 112, BUCKS 96

Sa Boston, nanaig ang karanasan ng Celtics sa krusyal na sitwasyon sa Game Seven ng kanilang Eastern Conference first-round playoff.

Kumubra sina Al Horford at Terry Rozier ng tig-26 puntos para pangunahan ang martsa ng Celtics sa semifinals kung saan makakaharap nila ang ‘The Process’ Philadelphia Sixers. Magsisimula ang serye sa Lunes (Martes sa Manila) sa Boston.

Nag-ambag si rookie Jayson Tatum ng 20 puntos para sa Celtics.

Nanguna si Khris Middleton sa Bucks sa nakubrang 32 puntos, habang kumana sina Eric Bledsoe at Antetokounmpo ng 23 at 22 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kabiguan muli ang natamo ng Milwaukee na huling nakausad sa second round noong 1989.

Nahila ng Boston ang marka sa NBA-record 31st Game 7, tampok ang 20-4 home win at 23-8 overall sa best-of-seven.