Ni Gilbert Espeña

IPINAKITA ni two-time world title challenger Warlito Parrenas na may ibubuga pa siya sa boksing sa edad na 34 matapos patulugin sa unang round si Thai rookie boxer Superjeng Sithsaithong nitong Abril 22 sa City Gym, Kawanishi, Japan.

Ito ang ikalawang pagwawagi ni Parrenas mula nang mabigo sa paghamon kay dating WBO super flyweight champion Naoya Inoue na pinatulog siya sa 2nd round noong Disyembre 29, 2015 sa Arriake Colloseum sa Tokyo, Japan.

Sa unang laban matapos mabigo kay Inoue, pinatulog niya sa 1st round si Kathawut Sriwoha ng Thailand noong Disyembre 9, 2017 sa Sangyo Shinko Center sa Sakai, Japan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakabase ngayon si Parrenas sa Osaka at umaasang mapapalaban sa world rated boxer para makabalik sa world rankings, May rekord siya na 26-7-1 na may 23 pagwawagi sa knockouts.