TAGBILARAN, Bohol -- Humakot ang Western Visayas ng apat na ginto at tatlong pilak sa athletics, habang namayani ang Zamboanga sa weightlifting sa 2018 National PRISAA Games kahapon sa Carlos P. Garcia Sports Complex.
Dinomina ni Jose Jerry Belebestre ang long jump men (7.06 meters), nanalo si Michael Mana-ay sa 110m hurdles men (14.47 segundo), wagi ni Ara Rhabea Delotayo sa 100m hurdles secondary girls (16:56.00) at nanamayani si Kim Villaruz sa 3000m secondary girls (11:33.81).
Habang nananalasa ang mga atleta ng WV sa oval namayani naman ang mga taga Zamboanga sa weightlifting sa kabayanihan nina Carlo Soriano, Patricia Nina Gregorio, at Rowel Garcia at muling pinanindigan ang pamosong bansag na “Weightlifting Capital of the Philippines”.
Dinomina ng Zamboanga ang weightlifting sa nakaraan taon sa Zambales sa nahakot na 31 sa 64 ginto, 23 silver at 10 bronze medal at inaasahan na muling maghahari sa torneo na gumagamit na ng modern electronic scoring device na binili ni Weightlifting Association of the Philippines vice president Prof. Elbert “Bong” Atilano Sr.
Bukod sa apat na ginto, nag-ambag ng tig isang pilak sina Marjorie Basea sa 3000m (14:51.00) una kay Melanie Paderanga Region X (15.47.88) at Kayla Marie Almalbis sa 100m hurdles (16:66.00) habang tinalo ni bronze medalist Michaela Margarejo ng Cagayan Valley (17:12.00).
Nanalo si Soriano ng isang ginto at isang pilak sa 57.5kg men senior; wagi si Patricia Nina Gregorio sa 47.3kg women senior; at namayani si Garcia sa 55.2kg men senior at kumuha sina Arnold Dumania at Nelgreg Colonia tig dalawang pilak sa youth at tatlong tanso si Aldazher Indanan sa 54.2kg men senior.
Binigyan ni Romela Ayuda ang senior overall champion Central Visaya pangalawang ginto sa 100m hurdles women naorasan 15.84 seconds at duplikahin ang panalo ni Melody Perez nagwagi sa 3000m women category (11:33.81 seconds) sa Day 1 sa nang paligsahan sa athletics.
Sa kabila malakas sa athletic, bigong ma domina ng WV ang athletics at ang ibang ginto ay pinaghatian ng Region IV-A sa kabayanihan ni Raffy Kalaw 3000m steeplechase men (10:17.43 seconds), Cagayan Valley bigay ni Jun Jun Domingo shot put men (12.34 meters), at Raynuevie Escander Region XII long jump women (4.71 meters).
Namayani ang Bicol Region sa baseball at nakipagsosyo sa Region IX at Western Visayas sa sepak takraw. Tinalo ng mga Bicolanos ang Region XII, 2-1, at pinisak ang Central Visayas sa baseball, 4-1.
Sa ibang laro sa baseball, pinayuko ng Region XI ang Region IX, 18-0; nagwagi ang Region X laban sa Cagayan Valley, 8-5; nanalo ang Region XII kontra sa CAR, 9-3; at naungusan ng Western Visayas Region X, 2-1, pinangasiwaan ni dating national player Nilo Barajan.
Nagwagi rin ang WV sa dance sport sa magandang partnership nina Aleia Robbyn Muyco at Mico Andrei Hechanova sa Latin American at nanalo ang Central Visayas sa modern standard sa magandang performance nang magkapatid Zjainne Troy at Zjames Tracy Villarta.