KABUUANG 16,000 eco warriors ang sumalubong sa takip-silim suot ang kanilang pambatong running shoes at water bottles para sumabak sa pamosong National Geographic Earth Day Run 2018 nitong Sabado sa MOA ground sa Pasay City.
Ang taunang patakbo ay kasabay sa pagdiriwang ng bansa sa International Earth Day celebration with.
Para mas mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming bilang ng mga nagnanais na tumakbo, inilarga ng organizers ang Nat Geo Run simula ang 3K Fun Run category, gayundin ang 5K, 10K, at 21K distances.
Hinikayat ng Earth Day Run ang mga kalahok at makiisa sa mga gawain para mailigtas ang sambayanan, gayundin ang sangkatauhan mula sa anumng uri ng bisyo.
Sa pakikipagtambalan sa World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines. Isinulong ng pakarera ang kampanya para sa pangangalaga ng kapaligiran, sa pamamagitan ng #NotPlastuc campaign.
“[Using plastic] is something that people do every day without realizing or thinking twice about it. We hope to educate people on the very real impact of plastic use and highlight what they can do to help fight this issue,” pahayag ni Charo Espedido, FOX Networks Group Head of Marketing.
Tinatayang aabot sa 8 tonelada ng papel at kalat ang nakukuha sa mga dalampasigan at karagatan sa buong bansa.
“It was encouraging to see so many people support Earth Day Run’s efforts in reducing plastic use. Hopefully these sentiments are things that all the runners will take away and share with others,” sambit ni Jude Turcuato FOX Networks Group GM and SVP.