Ni Orly L. Barcala

Patay ang isang lalaking backrider makaraang madamay sa karambola ang sinasakyang motorsiklo sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital si Rey Francisco, 44, ng No. 102A D. Aquino Street, 2nd Avenue ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkabagok.

Agad namang inaresto ang suspek na si Anaseto Daulong, 47, ng Cupang sa Antipolo City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ni POI Job C. Zalun, nakaangkas si Francisco sa mo t o r s i k l o (ZP- 4 1 1 2 ) , na minamaneho ni Reggie Luza, nang maganap ang aksidente sa panulukan ng 7th at 2nd Avenues sa nasabing lungsod, dakong 10:29 ng gabi.

Unang binangga ng Isuzu Tractor Head (RJK-826), na minamaneho ni Daulong, ang isang Toyota Innova (VQ-6784) na minamaneho naman ni Anna Kristina Chua.

Sa l aka s ng bangga an, tumama ang kotse sa sinasakyang motorsiklo nina Luza at Francisco at tumilapon ng ilang metro ang huli at nabagok.

Kinasuhan si Daulong ng reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.