PINAGHARIAN ni Jeremy Marticio ng Binan, Laguna ang katatapos na 2018 National Executive & Kiddie Chess Championships na ginanap sa Activity Area, Vista Mall, Santa Rosa, Tagaytay Road, Barangay Don Jose, Sta. Rosa City, Laguna.

 NAG-IISIP ng kanyang tira si Cabuyao City, Laguna bet Sweden Paez (kaliwa) na produkto ng sports program ni Cabuyao City Mayor Mel Gecolea na isa sa mga kalahok sa katatapos na 2018 National Executive & Kiddie Chess Championships nitong Sabado sa Activity Area, Vista Mall, Santa Rosa, Tagaytay Road, Barangay Don Jose, Sta. Rosa City, Laguna.

Winalis ni Marticio ang lahat niyang nakatunggali para sa perfect 7-0 record tungo sa titulo at top prize P3,000 at trophy sa one-day National Chess Federation of the Philippines-sanctioned rapid tournament na suportado ng Alphaland Corporation, Jolly Smile Dental Clinic, CVJR Builders, Engineers Architecs Contractors, Vistamall Santa Rosa, Cabuyao City Chess Club at City of Santa Rosa.

Nagsilbing punong abala si tournament director Dr. Alfredo “Fred” Paez na Press Relation Officer din ng Philippine Executive Chess Association (PECA) na ang founding president ay si Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa ika-2 hanggang ika-3 puwesto sina Emerson dela Cruz at Jerome Adrian Aragones na may tig 5.5 puntos para paghatian ang P3,000 sa second at third prizes sa kanilang effort.

Magkasalo naman sa ika-4 hanggang ika-5 puwesto sina Clifford John Bernardo at Jonash Andrei Macalalad na may tig 5 puntos.

Tumapos naman sa ika-6 hanggang ika-13 na puwesto ay sina Karlycris Clarito Jr, Cyrus James Damiray, Darwin Villanueva Jr., Mark Gabriel Usman, Ma. Cristina Samarita, Clark Kaenon Kwan, Wayne Ruizat Ayala Nicole Usman.