Ni Bella Gamotea

Matapos ang sunud-sunod na oil price hike sa bansa, asahan naman ng mga motorista ang napipintong rollback ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng bumaba sa 40 hanggang 50 sentimos ang kada litro ng gasolina, habang 25 hanggang 35 sentimos naman ang matatapyas sa kada litro ng diesel.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Hindi naman magbabago ang halaga ng kerosene.

Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Abril 3 ay nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis: nagdagdag ng P1 sa kada litro ng diesel at kerosene, habang tumaas ng 90 sentimos ang gasolina.