WASHINGTON (AFP) – Sinabi ng Facebook nitong Miyerkules na 87 milyong users ang apektado ng data breach ng British political consultancy na Cambridge Analytica, kasabay ng pagdepensa ni Mark Zuckerberg sa kanyang liderato sa higanteng social network.

Mas mataas ang taya ng Facebook kaysa mga ulat na 50 milyon users ang maaaring apektado ng privacy scandal na yumayanig sa kumpanya at nagbunsod ng mga katanungan sa data protection sa buong internet sector.

Sinabi ni Zuckerberg sa reporters sa conference call na tinatanggap niya ang responsibilidad para sa mga kabiguang maprotektahan ang user data ngunit pinanindigan na siya pa rin ang best person para pamunuan ang network ng dalawang bilyong users.

‘’When you’re building something like Facebook which is unprecedented in the world, there are things that you’re going to mess up... What I think people should hold us accountable for is if we are learning from our mistakes,’’ aniya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi ni Zuckerberg na ang 87 milyon ay mataas na estimate ng mga apektado ng breach, batay sa pinakamalaking bilang ng connections sa users na nag-download ng quiz sa academic researcher na kumukuha ng personal profiles.

Ilang linggo nang problemado ang Facebook matapos mabunyag ang paglalabas ng private data ng consulting group sa kampanya ni Donald Trump noong 2016.

Sumagot ang British firm sa pahayag ng Facebook at iginiit na hindi nito ginamit ang data mula sa social network sa 2016 election.

‘’Cambridge Analytica did not use GSR (Global Science Research) Facebook data or any derivatives of this data in the US presidential election,’’ tweet ng kumpanya. ‘’Cambridge Analytica licensed data from GSR for 30 million individuals, not 87 million.’’

Samantala, sinabi ni Facebook chief technology officer Mike Schroepfer na maglalagay sila ng bagong privacy tools para sa users ng malaking social network sa susunod na Lunes.

‘’People will also be able to remove apps that they no longer want. As part of this process we will also tell people if their information may have been improperly shared with Cambridge Analytica,’’ aniya sa pahayag.

Ang post ni Schroepfer ang unang nagbanggit sa bilang na 87 milyon at idiniin na karamihan ng mga apektado ay nasa United States.