Ni Remy Umerez

ISA sa kaabang-abang na production number na mapapanood sa This Is Me concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum sa April 14 ay ang fusion of voices na tinaguriang Hearthrobs nina Daniel Padilla, Billy Crawford, Xian Lim at James Reid.

Xian 3

Ilan lang sila sa special guests ng Pop Princess who is celebrating her 15th year sa showbiz.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang guesting stint ni Billy Crawford ay simula ng kanyang pagbabalik recording sa ilalim ng Viva Records. Unknown to many ay lumikha ng ingay si Billy noong panahong uso ang hip-hop sa ilang bahagi ng Europa. Dekada man ang lumipas ay na-maintain pa rin ni Billy ang liksi at stamina sa pagsayaw habang umaawit. At patutunayan niya ito sa nalalapit na concert ni Sarah.

Ang timbre ng boses ni Daniel Padilla ay reminder of the Manila Sound days. Banayad at may puso ang kanyang interpretasyon. Iyon nga lang, mas appreciated ng balana lalo na ng kanyang fans.

Natupad din sa wakas ang dream ni Xian na makasama sa concert si Sarah. Noon pa ito pinapangarap ni Xian who will also display his musicality sa pagtugtug ng piano.

Kung anong musical pasabog ang kinonsepto para sa apat ay tiyak na ikaaaliw at kakikiligan ng mga manonood.

Ang This Is Me ay naka-focus sa accomplishments ni Sarah Geronimo bilang singer, concert performer at aktres. Ito ang una niyang major concert makalipas ang limang taon. Sa direksiyon ni Paul Basinilo with Georgecelle as dance director at Louie Ocampo as musical director.