Ni Mary Ann Santiago

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) ang “resurrection” ng mga tren ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3, matapos na makumpleto na ang pagkukumpuni sa mga ito nitong Semana Santa.

Ayon sa DOTr, matapos ang limang araw na annual general system maintenance sa mga tren ng MRT ay matagumpay nilang napabiyahe ang 15 tren kahapon ng umaga.

Unang plano n g DOTr na magpatakbo ng 15 tren sa pagbabalik sa normal ng operasyon nito kahapon, ngunit dakong 5:45 ng umaga ay nasa 10 tren pa lamang ng MRT ang bumibiyahe, na may headway na siyam na minuto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Unti-unti namang nadagdagan ang mga bumibiyaheng tren, at pagsapit ng 6:00 ng umaga ay naging 11 na ang bumibiyahe at may walong minutong headway.

Dakong 7:00 ng umaga ay naging 12 tren na ang operational, na may headway na pitong minuto.

Pagsapit ng 8:00 ng umaga ay naiakyat pa ng DOTr sa 14 ang mga bumibiyaheng tren, na may 6.5 minutong headway na lang at 15 tren dakong 2:00 ng hapon.

Kasabay nito, ibinalita rin ng MRT ang matagumpay na pagkukumpuni sa kanilang Maintenance Transition Team (MTT) sa 47 na light rail vehicles (LRVs), dalawang spare car, at 15 train set.

Bago mag-Semana Santa ay nasa anim hanggang walong tren lang ng MRT ang bumibiyahe, at madalas pang nagkakaaberya o tumitirik dahil sa mga lumang piyesa.