Ni NORA CALDERON

PAGKATAPOS palang mag-taping ng finale ng Ika-6 Na Utos, umuwi muna sa San Francisco, California si Gabby Concepcion. Pero hindi naman nagtagal si Gabby na may inayos lang doon at bumalik din agad.

Panahon ng pamumunga ng mangga ngayon, kaya busy si Gabby sa mango farm niya sa Batangas City. Based sa video na ipinost ng aktor, mukhang napakalaki ng kanyang farm at hitik na sa bunga ang mga kinalabaw na mangga niya.

Personal niyang inaasikaso ang pagbabalot ng diyaryo sa mga mangga para raw hindi ito pasukin ng insekto. Kapag nagsimula raw kasing kainin ng insekto, mabubulok.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Matamis ang bunga ‘pag inalagaan. Waiting for the right time to harvest. Sa tamang panahon lang. Soon, magkakaroon tayo ng sweet kinalabaw mangoes. #mango farm #mango tree #goodvibesplease #goodvibesonly,” caption ni Gabby sa post.

Nagpapahinga muna si Gabby ngayon, mula sa more than fourteen months na non-stop taping nila nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon ng kanilang afternoon prime drama na may nakasabay pang ibang TV show. Bukod sa pagpu-promote ng food chain na in-endorse nila ni Sharon Cuneta, hindi nawawalan ng shows si Gabby sa iba’t ibang lugar sa bansa. Madalas din siyang pumunta sa kanyang fishpond sa Lobo, Batangas.

Wala pa siyang bagong project sa GMA. Naka-contract pa rin siya sa Kapuso Network kaya hindi pa siya maaaring magtrabaho sa ibang network.