PALM BEACH, Fla. (AP) — Nagdeklara si President Donald Trump nitong Linggo na wala nang deal para tulungan ang “Dreamer” immigrants at nagbantang kakalas sa free trade agreement sa Mexico kung hindi ito gagawa ng karagdagang mga hakbang para pigilan ang pagtawid ng mga tao. Sinabi niya na sinasamantala ng mga ito ang proteksiyon na ipinagkaloob para sa ilang immigrants.
“NO MORE DACA DEAL!” tweet ni Trump isang oras matapos simulan ang araw sa pagbati sa kanyang mga tagasunod ng “HAPPY EASTER!”
Sinabi niya na kailangang pigilan ng Mexico ang “big drug and people flows, or I will stop their cash cow, NAFTA. NEED WALL!”
“Mexico has got to help us at the border,” ani Trump, hawak ang kamay ng kanyang misis, sa mga mamamahayag sa pagdalo ng mag-asawa sa Easter services sa isang Episcopal church malapit sa kanilang bahay sa Palm Beach, Florida.
“If they’re not going to help us at the border, it’s a very sad thing between our two countries.”
“A lot of people are coming in because they want to take advantage of DACA,” dugtong niya.