CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur - Patay ang isang kaanib ng New People’s Army (NPA) matapos makipagbakbakan sa military ang grupo nito sa Capalonga, Camarines Norte nitong Miyerkules ng umaga.

Sa report ng 9th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, hindi pa nakilala ang napatay na rebelde na iniwan ng kanilang grupo sa pinangyarihan ng sagupaan sa Barangay Atok sa Capalonga, dakong 11:55 ng umaga.

Naiulat na bago ang insidente, nakatanggap ng impormasyon ang nasabing military unit na nagsasabing namataan ng mga residente sa lugar ang aabot sa 30 kaanib ng Larangan 1, Komiteng Probinsya 1 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC).

Nang magresponde sa lugar, pinaputukan ng mga rebelde ang mga sundalo at tumagal ng 35 minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkasawi ng isang rebelde. - Ruel Saldico

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito