Ni Remy Umerez

ANG taunang Bataan Freedom Run na inilunsad ng Philippine Veterans Bank (PVB) ilang taon na ang nakalilipas ay nagsimula nang umarangkada sa tinaguriang “Freedom Trail” na takbuhan nitong Marso 24-25.

Paliwanag ni Mike Villareal, VP for corporate communications ng PVB, maraming biyahero at motorista ang binabalewala at walang kaalaman sa makasaysayang landas na kanilang nilalakbay. Dito naganap ang malagim na Death March, ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng Philippine history noong World War 11.

We restored the paths at nilagyan ng kilometric markers sa kapakanan ng mga kalahok sa Bataan Freedom Trail.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Para sa Bataan Freedom Run na gaganapin sa April 7, mas mahabang ang babagtasin ng mga kalahok dahil sakop nito ang probinsiya ng Pampanga at Tarlac. Ang pagtakbo ay magsisimula sa madaling araw.

Bukod sa trophy at medalya ay tatanggap din ang mga magwawagi ng cash prize mula sa Philippine Veterans Bank at Without Limits, ang organizer ng annual event.

Ang Bataan Freedom Run ay isa lamang sa mga proyektong ini-endorse ng Kapuso artist na si Heart Evangelista, ang brand ambassador ng Philippine Veterans Bank.