Ni Brian Yalung

TULOY ang rampa ni Pinoy gymnasts Carlos Edriel Yulo sa international arena.

PROUD PINOY! Muling iwinagayway ni Carlos Yulo (kaliwa) ang bandila ng bansa sa muling pagakyat sa podium sa Doha World Cup sa Qatar. GAP PHOTO

PROUD PINOY! Muling iwinagayway ni Carlos Yulo (kaliwa) ang bandila ng bansa sa muling pagakyat sa podium sa Doha World Cup sa Qatar. GAP PHOTO

Matikas na nakipagsabayan ang 18-anyos multi-titled gymnast tungo sa silver medal finish sa men’s floor event ng 2018 Doha World Cup sa Qatar – ikatlong medalya ng Sea Games champion sa global stage ngayong taon.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Nakolekta ni Yulo ang kabuuang iskor na 14.433 puntos, tampok ang 6.000 puntos sa difficulty level at 8.433 puntos sa execution.

Bago sumabak sa Qatar event, nakopo ni Yulo, produkto ng grassroots sports program ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na pinamumunuan ni Cynthia Carrion, ang bronze medal sa men’s vault ng World Cup Gymnastics sa Melbourne, Australia at silver medal sa Baku World Cup sa Azerbaijan.

“Super proud of him of course! We didn’t expect that he would go this far and have medals in WORLD CUP. He turned 18 last February and as a rookie, we didn’t expect him to overshadow other competitors because most of them are Olympians. We didn’t visualize his track is on to the Olympics. So super thankful to the Lord because He continues to guide Caloy in competitions since the beginning up to now in his gymnastics career,” pahayag ng ina na si Angelica Yulo,

“We also want to thank the people who helped in supporting him - the GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES, Ms. Cynthia Carrion, Bettina Pou, and Coach Munehiro Kugimiya, Jumpei Konno,” aniya.