Ni Orly L. Barcala

Nagpakamatay sa pag-inom ng lason ang isang pedicab driver matapos iwan ng kanyang kinakasama dahil sa umano’y pagkabaog sa Malabon City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Dominador Maalay, 33, ng No. 101 Azero Street, Sambal 2, Barangay Tugatog ng nasabing lungsod, na nagtamo ng matinding pinsala sa puso at lapay na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Ayon kay Reynaldo Casillo, 22, kaibigan ni Maalay, natagpuan niyang nakahandusay ang biktima sa labas ng bahay nito, dakong 11:35 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Akala ko po lasing lang kaya nakahiga sa semento nang lapitan ko para gisingin, napansin ko na bumubula ang bibig at wala ng buhay,” ani Casillo.

Ayon pa kay Casillo, madalas magsabi sa kanya ng problema si Maalay hinggil sa live-in partner nito na hindi nito mabigyan ng anak.