Ni Francis T. Wakefield

Ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines-Northern Luzon Command (AFP-NoLCom) ang konstruksiyon ng fishermen’s shelter sa dulong hilagang isla ng bansa, ang Mavulis Island sa Itbayat, Batanes.

Sinabi ni AFP Northern Luzon Command Spokesman Lt. Col. Isagani Nato na magsisimula ang konstruksiyon ng pasilidad sa Abril ngayong taon.

“The structure will serve as a multi-purpose shelter for locals fishing in the vicinity double up as shelter for NoLCom troops visiting the island to guard our maritime domain in that isolated area during poaching season,” ani Nato.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Also, amenities will be provided to cater the needs of the recipients considering the proximity of the place to the nearest island town,” dugtong niya.