Ni Jel Santos

Pinahihinto na ng Makati City government ang operasyon ng kontrobersiyal na electronic billboard matapos ireklamo ng mga motorista dahil sa malaswang ipinalabas nito noong Martes ng hapon.

Partikular na inatasan ni Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief, Atty. Maribert Pagente, ang may-ari ng Globaltronics, na iniimbestigahan na rin dahil sa usapin.

Ang nasabing e-billboard ay nasa panulukan ng Gil Puyat at Makati Avenues.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umaksiyon si Makati City Mayor Abby Binay matapos na mag-viral sa social media ang napanood ng mga motorista at commuters na porn video sa billboard.

Pinapanagot na rin ni Binay ang nasa likod ng insidente.

Sa panig ng Globaltronics, sinabi nito na biktima lamang umano sila ng cyber attack.