Ni ANNIE ABAD

HANDA na ang Vigan City para sa paglarga ng 2018 Palarong Pambansa.

Kabuuang 15,000 estudyante, opisyal at technical personnel ang inaasahang darating sa kapitolyo ng Ilocos Sur.

Mismong si Department of Education Undersecretary Tonisito Umali ang nagbigay ng ‘thumbs up’ sa host matapos ang personal na pagbisita sa mga venues at titirhan ng mga kalahok sa Palarong Pambansa na nakatakda sa Abril 15-21.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Vigan is definitely ready. The province hosted a regional qualifier of the Batang Pinoy last year and that shows its readiness to stage a big multi-sports event such as the Palaro,” pahayag ni Umali sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Tapa King Restaurant sa Farmers Market sa Cubao.

“We had our final technical conference meeting a couple of weeks ago para tingnan sa huling pagkakataon yung preparation ng lalawigan. And no doubt, the facilities are of international standards. Handang-handa na sila,” aniya.

“Overall, I would say Vigan, Ilocos Sur is definitely ready.”

Ayon kay Umali, sapat na rin ang paghahanda ng mga atleta na sasabak sa 21 regular sports events sa secondary level at 15 sa elementary side.

Liyamado ang perennial champion National Capital Region para muling maghari sa taunang kompetisyon para sa mga athletes-students, ngunit sinabi ni Umali na inaasahang magbibigay ng sopresa ang Calabarzon/Southern Tagalog at Western Visayas regions.

Aniya, kasama na rin ang Negros Island Region, tumapos sa ikaapat sa nakalipas na taon, sa Regions 6 (Negros Occidental - Western Visayas) and 7 (Negros Oriental - Central Visayas).

“So we’ll have to see ano ang effect pag ibinalik ulit as Regions 6 and 7 yung Negros Occidental and Negros Oriental,” ayon kay Umali.

Isasagawa rin ng DepEd ang demo sports sa pencak silat, aero gymnastics, at dance sports, gayundin ang Special Para events sa quatics, track and field, bocce, at goal ball.

Bilang paghahanda sa panahon ng Tag-init, sinabi ni Umali na lilimitahan ang mga laro mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

“All games to be held during that time are indoor events,”aniya.

“This is the first time the host LGU will shoulder transportation means or cost by providing buses to our athletes from Mindanao and the Visayas coming from a drop-off point lang. And lahat sila dadalhin sa Vigan, Ilocos Sur ng libre.”