Ni Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Dahil sa matinding kahihiyan at takot na makasuhan, ipinasya na lamang ng isang construction worker na magbigti sa Barangay Estrada, Capas, Tarlac nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni PO2 Alvin Hulguin ang nasawi na si Jano Alamera, 22, binata, ng Barangay South Cembo, Guadalupe, Makati City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Natuklasan ng pulisya na dalawang linggo nang hindi pumapasok si Alamera sa pinagtatrabahuhang construction site sa Bgy. Estrada, Capas, hanggang nadiskubre umano ng ilang kasamahan nito na maraming nawawalang kagamitan sa lugar.

Nang yayain umano sa inuman, ipinagtapat ni Alamera sa mga kasamahan na siya ang responsable sa pagkawala ng mga materyales, kasama ang dalawa pang kapwa construction worker.

Pinaniniwalaang nagpasya si Alamera na kitlin ang sariling buhay nang malamang kakasuhan siya ng pagnanakaw.