CLEVELAND (AP) — Sa record, nangunguna sa Eastern Conference standings ang koponan mula sa Canada.

Ngunit, nananatiling nasa Cleveland, Ohio, ang pinakamahusay na player sa NBA.

Ito ang mensahe ni LeBron James sa Toronto Raptors – ‘Ako pa rin ang hari’

Naglaro na wala ang gabay ng head coach at limang players sa line-up, ratsada si James sa naiskor na 35 puntos at 17 assists para sandigan ang kulang sa player na Cavaliers sa 132-129 panalo kontra sa Raptors nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi nakalaro ang limang players ng Cavs bunsod ng injury, gayundin si coach Tyronn Lue na nagbabakasyon. Subalit, nanatiling malupit ang Cavs sa pamumuno ng four-time MVP.

“I’ve never seen anything like it,” sambit ni associate coach Larry Drew, patungkol sa laro ni James. “It’s just amazing what he does, night in and night out. How he sustains it is just mind-boggling.”

Naisalpak ni James ang tatlong free throws sa huling 7.8 segundo, ngunit nagmintis sa huling 3.9 segundo para mabigyan ng pagkakataon ang Raptors sa three-point shot. Suwerte, nagmistis si DeMar DeRozan.

“It’s a good win for us because of how depleted we are on our roster and everything that’s been going on,” pahayag ni james. “It’s a good win for us against a very good opponent.

Nag-ambag si Kevin Love na may 23 puntos at 12 rebounds.

“They’re still a top team in our conference — and in this league,” sambit ni DeRozan, umiskor ng 21 puntos.

Kumana si Kyle Lowry ng 24 puntos para sa Raptors.

SPURS 98-90

Sa San Antonio, hataw si LaMarcus Aldridge sa nakubrang 27 puntos at siyam na rebounds para gapiin ang Washington Wizards para sa ikalimang sunod na panalo ng Spurs.

Nanatili ang San Antonio sa ikaanim na puwesto sa Western Conference, kalahating larong naghahabol sa No.4 Oklahoma City.

Kumubra sina Bradley Beal at Kelly Oubre Jr. ng tig-21 puntos sa Wizards, bumagsak sa NO.6 sa Eastern Conference.

Nag-ambag si Kyle Anderson ng 16 puntos, habang tumi[pa si Dejounte Murray ng 10 rebounds.

HORNETS 111, NETS 105

Sa New York, ratsada si Dwight Howard sa nakubrang 32 puntos at franchise-record 30 rebounds,sa panalo ng Hornets kontra Brooklyn Nets.

Nalagay sa kasaysayan si Howard bilang ikawalong player sa NBA na nakapagtala ng 30-30 career output.

“I just thought that my energy and effort wasn’t where it needed to be for our team to be successful,” sambit ni Howard. “Got a text at halftime from somebody and it kind of got me motivated and gave me some extra energy.”

Si Howard ang unang NBA player na may 30- puntos at 30 rebound sa iang laro mula nang magawa ni Kevin Love sa Minnesota noong Nov. 12, 2010.

“Never been part of something like that,” sambit ni Hornets teammate Kemba Walker. “It was incredible. Yeah, it was incredible to see those kinds of numbers and be a part of it. Yeah, it was crazy.”

Si Howard din ang unang player na nakagawa ng 30-30 laban sa Nets mulang nang magawa ni Kareem Abdul-Jabbar para sa Los Angeles Lakers noong Feb. 3, 1978 (37 puntos at 30 rebounds).

“I mean that’s great to be named with someone like Kareem,” sambit ni Howard. “It’s one of the guys I looked up to growing up, him and Wilt Chamberlain.”

Sa iba pang laro, nagwagi ang Los Angeles Clippers, sa pangunguna ni DeAndre Jordan, na kumana ng 25 puntos at 22 rebounds, kontra Milwaukee Bucks; tinalo ng New Orleans Pelicans ang Indiana Pacers, 96-92; namayani ang Denver Nuggets sa Chicago Bulls, 135-102; giniba ng Miami Heat ang New York Knicks, 119-98.