Ni Jun Fabon

Nananawagan ang Quezon City government katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Building Official (DBO) ng lungsod sa mga mamamayan na doblehin ang pag-iingat ngayong Fire Prevention Month.

Bunsod ng malaking sunog sa isang hotel sa Maynila kamakailan, inatasan ni Mayor Herbert Bautista si QC Fire Marshal Sr. Supt. Manuel M. Manuel at DBO chief Engr. Gani Verzosa na ipatupad nang mahigpit fire prevention at building code sa siyudad.

Ayon kay Manuel, taun-taon ay nagpapatupad ang BFP-Quezon City ng fire inspection at mahigit 80,000 business establishment ang nagkaroon ng Fire Inspection Certificate. Ang mga gusali at bahay naman sa lungsod ay kumuha ng wiring permit mula sa DBO.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji