PINAKAMATIKAS na potensyal na makalahok para sa Philippine Team sa 2020 Tokyo Olympics ang pamosong gymnast na si Carlos Edriel Yulo.

carlos-yulo copy

Sa katatapos na FIG Artistic Gymnastics World Cup sa Baku. Azerbaijan, naiuwi ni Yulo ang silver medal sa men’s pole vault sa National Gymnastics Arena dito.

Nakolekta ni Yulo ang 14.183 puntos, sa likod ni gold medal winner Pavel Bulavsky ng Belarus,na may 14.283 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha ni Konstantin Kuzovkov ng Georgia ang bronze medal sa torneo na nilahukan ng 102 gymnasts mula sa 25 bansa.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion ang patuloy na pamamayagpag ni Yulo sa international meet ay may dulot na puntos para sa mas mataas na tagumpay sa hinaharap.

“He is doing so well. It’s a step forward to 2020 Olympics,” sambit ni Carrion. “Hoping by 2020, be ready for gold.”

Sa edad na 18, hindi rin matatawaran ang kahusayan ni Yulo, na samu’t saring pinsala sa katawan ang naranasan para maihanda ang sarili sa Junior Gymnastics Championships sa susunod na taon sa Thailand.

Sa nakalipas na SEA Games sa Singapore, sigurado sana sa limang ginto si Yulo, ngunit hindi siya pinayagang makalaro ng organizres nang makumpirma ng Malaysian Organizing Committee (MASOC) na isa siyang underaged.

Sunod na makakaharap ni Yulo ang mga internationalist na karibal sa Doha. Qatar, will next see action in another competitive tournament in Doha two weeks from now where he hopes to also win a medal, according to Carrion.