Ni Bert De Guzman

May 2,673 panukala o average na 15 panukala sa bawat session day ang tinalakay ng Kamara sapul nang buksan ang 17th Congress noong Hulyo 25, 2016.

Sinabi ni Deputy Speaker Raneo Abu na mula nang magsimula ang sesyon ng Kamara nitong Enero 15, napagtibay ng Mababang Kapulungan sa pangatlo at huling pagbasa ang 25 panukala.

Kabilang dito ang House Bill No. 690, na nagpapalakas sa security of tenure ng mga manggagawa; HB 6689, na nagkakaloob ng kumpletong seguro o insurance coverage sa lahat ng kuwalipikadong CARP beneficiaries; at HB 6834, na nagpapalakas sa karapatan ng mamamayan para sa “free expression and to peaceably assemble, among others.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'