Ni Mary Ann Santiago

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang motorista sa Pasig City, nitong Linggo ng umaga.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agad tumapos sa buhay ni Rogelio Balaan, nasa hustong gulang, ng Barangay Pinagbuhatan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Pasig City Police, nangyari ang pamamaril sa M. Eusebio Avenue, Nagpayong 2 sa Bgy. Pinagbuhatan, dakong 7:20 ng umaga.

Naglalakad lang ang biktima sa lugar nang biglang lapitan ng suspek na sakay sa puting Suzuki Sedan (PZI-823), at agad na binistay ng bala si Balaan na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Anti-Cong-tractor bill, hihimayin na sa Kamara

Mabilis na tumakas ang suspek patungong C-6 Road.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente.