Ni Jun N. Aguirre

BORACAY ISLAND, Malay, Aklan - Haharapin na ng mga opisyal ng Malay, Aklan ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng pagsusulputan ng mga illegal na establisimyento sa isla.

Ito ang tiniyak ni Rowen Aguirre, executive assistant to the office of the mayor, na nagsabing minana lang nila sa mga nakaraang administrasyon ang mga problemang kinakaharap ngayon sa Boracay.

Kabilang, aniya, sa sumasailalim sa imbestigasyon si Malay Mayor Ciceron Cawaling at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Umaasa rin, aniya, ang mga ito na magiging patas ang imbestigasyon.