biado copy

NASUNDAN ni Pinoy world champion Carlo Biado ang dominanteng kampanya sa pagkopo ng kampeonato sa 10-ball Jogja Open International Billiard Tournament nitong Linggo sa Rama Billiard sa Yogyakarta, Indoneia.

Ginapi ni Biado si Jundel Mazon, 13-11, sa all-Pinoy championship.

“First of all I would like to thank God for winning this presitigious international billard tournament. My wife who always beside me and my relative and friends as well,” pahayag ng 34-anyos na pambato ng La Union.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinanghal na ikalimang Pinoy si Biado na nagwagi sa men’s world championships title nang pagbidahan ang 128-player field, kabilang ang kababayang si Roland Garcia, 13-5, sa all-Pinoy finals ng 2017 World 9-Ball Championship na ginanap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar nitong Disyembre.

Bago patungo sa all-Filipino finals dito, kinakailangan talunin ni Biado si Ricky Yang ng Indonesia, 11-5, sa semi-final matches habang angat si Mazon sa isa pang Filipino entry an si Hushley Jusayan, 11-9, sa isa pang final four match-up.

Tungo sa pag angkin sa 2018 10-ball Jogja Open, natamo ni Biado ang $12,000, nakamit ni Mazon ang $6,000 habang naibulsa ni Jusayan ang $2,000.

Dahil sa magandang performance nina Biado, Mazon at Jusayan na nagbigay ng boost sa moral ng bansa ayon kay International Billiards at Snooker Champion “Marvelous” Marlon Manalo.

“Once again our flag has been raised in this foreign land after knowing that our Filipino kababayans Carlo Biado, Jundel Mazon and Hushley Jusayan completed the country’s domination (top three winners) in the just ended 10-ball Jogja Open International Billiard Tournament 2018 last Sunday,” sabi ni Manalo, National Press Relation Officer (PRO) Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.

“Carlo, Jundel and Husayan’s victory could not have come at a better time. He gives us something to cheer for,” ani Barangay Malamig chairman Marlon Manalo, ang incumbent ABC president sa Mandaluyong City.-