Ni Fer Taboy

Aabot sa 44 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay habang 26 pa ang nasugatan sa nakalipas na dalawang araw na pakikipagsagupaan sa militar sa Maguindanao.

Sa report ng opisyal ng 6th Infantry Division, Civil Military Operations ng Philippine Army (PA) na si Lt. Col. Gerry Besana, nagsimula ang engkuwentro nitong Huwebes hanggang kinabukasan.

Nilinaw ni Besana na ang mga naitalang nasugatang miyembro ng BIFF ay resulta ng magkakahiwalay na sagupaan sa Maguindanao, partikular na sa mga bayan ng Datu Unsay Ampatuan at Datu Saudi Ampatuan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nagresulta rin, aniya, ito sa paglikas ng libu-libong residente dahil na rin sa kanilang takot na maipit sa bakbakan.