Ni Ellson A. Quisimorio

Pinasalamatan ni Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles si Pangulong Rodrigo Duterte sa napipintong pagsasabatas sa panukalang “Balik Scientist Act,” na katuwang niyang pag-akda at pinagsumikapang maipasa sa nakaraang Kongreso.

Sinabi ni Nograles na bilang mambabatas, minsan ay nakadidismaya na isulong ang pagpasa ng isang batas at sa huli ay mauunsiyami lamang dahil gahol sa oras.

Ito aniya ang nangyari sa Balik Scientist Bill sa 16th Congress. “The measure reached third and final reading during the previous Congress but it ultimately did not pass due to lack of time. Luckily for us, the administration of President Rodrigo Duterte recognized its importance and allowed it to prosper this 17th Congress,” ani Nograles, chairman of the House Committee on Appropriations.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Layunin ng panukala na mapabuti ang kalagayan ng research and development sa bansa sa paghihikayat sa Filipino scientist at mga may lahing Pinoy na magbahagi ng kanilang expertise sa Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t ibang incentives.