Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

6:30 n.g. -- Ginebra vs.San Miguel Beer

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAKAABANTE o matablahan?

Inaasahan ang mas mataas na emosyson sa panig ng San mIguel Beermen at Ginebra Kings sa pagratsada ng Game Two ng best-of-three semifinal series ng 2018 PBA Philippine Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakauna ang Beermen sa Game One nitong Biyernes, 102-90.

Sa pangunguna ni dating MVP Arwind Santos, pinaulanan ng Beermen ng triples ang Kings upang magapi ang huli sa kabila ng paglalaro na may iniindang sakit si reigning MVP Junemar Fajardo.

Ngunit, kahit na nakauna, hindi maaaring magkampante ang Beermen, ayon kay SMB coach Leo Austria.

“Kung titingnan nyo ang mga stats, advantage kami, pero mahaba ang seryeng ito,” sambit ni Austria.

Nakabalikat ni Santos na nagposte ng 23 puntos at walong rebounds ang sophomore na si Von Pessumal na umiskor ng career high 18 puntos at Marcio Lassiter na may 17 puntos.

Sa panig ng Kings, aminado silang nagkulang sila sa depensa.

Bagama’t nalimitahan si Fajardo sa kanyang lowest output na siyam na puntos, nakuha pa ring tumapos ng Beermen sa 100 points barrier.

“Before the game. We’re only giving up 84 to 86 points to our opponents It’s really our defense,” pahayag ni LA Tenorio.

“Junemar scored only nine points, I think his lowest output ,if I’m not mistaken.Pero still they scored 102, so that means that’s our defense is weak. We’re one step slow,” aniya.