Ni Angelli Catan

Malapit na ang summer at siguradong maglalabasan na naman ang iba’t ibang uri ng sakit. Dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura ay maaaring magkaroon tayo ng sore eyes, ubo, sipon, diarrhea at pagsusuka, heatstroke, sunburn o di kaya’y makagat ng aso at magkaroon ng rabies.

Ang sore eyes ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng laging paghuhugas ng kamay at sa pag-iwas sa lagiang paghawak sa ating mga mata.

Pagdating sa ubo at sipon, mabisang paraan upang hindi magkaroon nito ay ang pag-inom ng maraming tubig. Mga 8-12 basong tubig sa isang araw. Ugaliin ding matulog nang maaga.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Isa ring sakit na maaaring makuha ngayong summer ay diarrhea o pagsusuka, lalo na kung mapapadalas ang kainan sa mga outing o bakasyon. Kailangan lang na maging maalam sa bawat kakainin at siguraduhing malinis ito, at hindi pa sira, o di kaya’y hindi ka allergic sa kahit anong sangkap nito. Tiyakin ding lagi kang hydrated.

Ugaliin nating ang pagbibitbit ng payong, umuulan man o hindi. Masama sa ating balat ang matagal na pagkakabilad sa init ng araw, at maaaring magdulot ito ng pagkahilo o pagtaas ng temperatura ng ating katawan, lalo na sa mga may high-blood pressure, na maaaring humantong sa heatstroke. Gumamit ng payong lalo kung kinakailangan para maiwasan din ang sunburn.

Kapag tag-init ay hindi lang tayo ang nakakaramdam nito, pati ang ating mga alagang hayop. Laging bigyan ng tubig ang ating mga alaga, lalo na ang ating mga aso. Maaaring may rabies ang ating mga alaga kaya mahalaga ring mabigyan sila ng bakuna laban dito.

Isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang sakit ngayong summer man o hindi ay ang pag-inom ng maraming tubig at ang tamang pagkain at pag-aalaga sa sarili. Agad kumonsulta sa doktor kung sakaling may mga sintomas ng sakit na hindi agad malunasan ng gamot.