Ni Bert De Guzman
Sinisiyasat ng Kamara ang umano’y maling paggamit ng PhilHealth para sa pondo ng senior citizens.
Binigyan ng House Committee on Good Government and Public Accountability nitong Lunes ng legislative immunity ang ophthalmologist na si Dr. Harold Gosiengfiao, sole proprietor Pacific Eye Institute (PEI), sa imbestigasyon ng komite hinggil sa umano’y maanomalyang paggamit sa pondo ng PhilHealth para sa senior citizens.
Isinagawa ang pagsisiyasat batay sa House Resolution 1653 ni Senior Citizen Rep. Francisco Datol kaugnay sa umano’y maling paggamit sa pondo sa “crude eye operations on groups of senior citizens.”
Nagresulta ang mga operasyon sa pagkabulag o kapansanan sa mata ng matatanda.
“Some doctors performed cataract surgery even on patients with no cataract, while some charged PhilHealth even without operating on anyone at all?” diin ni Datol.