GINAPI ng La Salle at Adamson University ang mga karibal nitong Linggo para maisaayos ang best-of-three title series sa UAAP Baseball Championship sa Rizal Memorial Stadium.

Inalisan ng koronan ng Green Archers ang Ateneo Blue Eagles, 11-8, sa larong dinumog nang mga tagasuporta mula sa magkaribal na kampo.

Nadomina naman ng Falcons ang National University Bulldogs, 13-4, para masungkit ang ikaanim na panalo sa pitong laro at makopo ang No.2 spot sa Finals.

Nakuha ng Eagles ang bentahe sa unang hatawan, 1-0, ngunit nakabawi ang Archers sa nakuhang tatlong runs sa sumunod na innings para sa 5-3 abante.

Muling umabante ang Ateneo, ngunit nabigong masundan ang matikas na laro sa seventh innings sapat para maagaw ng La Salle ang mopmentum tungo sa panalo.

Suspended na, pinagmulta pa! 2 player na nagsuntukan, buminggo sa PBA!

Sa softball, nakumpleto ng University of the East ang Final Four nang bokyain ang NU, 7-0, para sa No.4 spot tangan ang 6-5 karta matapos ang double-round elimination.

Nanguna ang defending champion Adamson matapos pabagsakin ang La Salle, 10-0, para sa 10-2 record, kasundo ang University of Santo Tomas (8-4) at at NU (7-5().