Ni Rafael Bandayrel

NAUNGUSAN ng JPV Marikina ang Global Cebu, 2-1, nitong Sabado sa 2018 Philippines Football League sa Marikina Sports Center.

Kumana ng goal ang mga bagong recruit na sina Japanese Keigo Moriyasu at Ryuki Kozawa para sandigan ang ratsada ng JPV Marikina. Kumilos si Moriyasu sa ika-13 minuto at nasunsand ni Kozawa sa ika-75 minuto.

Nakaiskor si Dom Del Rosario sa Cevu sa ika-88 minuto, ngunit nabigo ang Cebuana na maitabla ang iskor sa matinding depensa ng karibal.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nakaiskor naman ng dalawang goal si James Younghusband para maipuersa ng Davao Aguilas ang 2-2 draw kontra Kaya Iloilo sa Davao Del Norte Sports Complex.