Ni Light A. Nolasco

GUIMBA, Nueva Ecija - Dahil umano sa hindi nakayanang problema, isang 41-anyos na babae ang nagpatiwakal sa Barangay Culong, Guimba, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Guimba Police na nadiskubreng nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto si Elizabeth Dy Sotto, may asawa, ng nasabing lugar.

Tumanggi naman ang mga kaanak at pamilya ng biktima na isailalim siya sa awtopsiya, dahil wala umanong nakitang anumang senyales ng foul play sa insidente.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog